Snippet

AP & Filipino - Banahaw: Ang Bundok ng Nabubuhay na Kasaysayan

MACARIO SAKAY
Ang Nawawalang Pangulo ng Pilipinas

 Ang batong ito ay nagsasaad ng kuwento ng buhay ni Macario Sakay.

Si Macario Sakay ay ang dating pangulo ng Republikang Katagalugan. Siya'y isang miyembro ng KKK sa panahon ng himagiskan laban sa mga Kastila; isa siya sa mga kalapit ni Emilio Aguinaldo. Nang dumating ang mga Amerikano, siya'y tumakas sa mga Bundok sa may Banahaw at ginawa ang Republikang Katagalugan. Sa pamamagitan ng republika ay nakakuha si Macario ng maraming taga-sunod. Pagkatapos nito, siya'y tumakas sa Bundok San Cristobal nang siya'y malapit na dakipin.

Siya'y pinababa ng mga Amerikano sa kondisyon na siya at ang lahat ng kanyang mga taga-sunod ay mabibigyan ng palugad ng pamahalaan. Si Sakay at ang kanyang mga alagad ay bumaba sa bundok at lahat sila'y nadakip sa loob ng isang taon ng kanilang pagbaba. Si Macario ay ibinitay noong Setyembre 13, 1907.

Ang kanyang mga huling salita ay ang sumusunod: "Sa malao’t madali, ang lahat ng tao ay mamamatay subalit haharap ako ng mahinahon sa Panginoon. Ngunit gusto kong sabihin sa inyong lahat hindi kami mga magnanakaw. Hindi kami mga tulisan na tulad ng ipinaparatang ng mga Amerikano. Kami ay tunay na katipunan na nagtatanggol sa ating Inang Bayan. Paalam at nawa’y muling isilang sa ating hinaharap ang Kalayaan."


AGRIPINO LONTOK
Ang Unang Ermitanyo ng Bundok Banahaw

Saan nga ba nanggaling ang lahat ng kakaibang relihiyon, paniniwala, at tradisyon sa Bundok Banahaw? Ang lahat ng ito ay sinasabing nanggaling sa isang tao lamang: si Agripino Lontok. Noong panahon ng mga Kastila, sinasabi na ang isang mistiko, si Agripino, ay tumakas sa mga bundok sapagkat siya'y pinagbintangang rebelyo. Sinasabi na bawat pagkakataon na sinubukan niyang lumabas ng bundok, siya'y nabubulag. Ito ang dahilan kung bakit siya'y di na umalis sa bundok.
Isang mapa ng lahat ng mga puwesto sa Bundok Banahaw.

Ayon sa kuwento, may isang boses na nagsabi sa kanya nag gawing banal ang buong bundok. Ang sagradong boses mismo ang nagpangalan at nagtakda ng bawat puwesto gamit si Agripino Lontok. Dahil sa pagtakda ng mga pwesto, mahigit kumulang 17 sekto ng relihiyon ang sumasamba sa mga puwesto na ginawa ni Lontok.


JUAN YNBIN
Ang Manlalakbay sa Dahon

Ang maiksing kuwentong ito ay ukol sa isang Intsik na mamumutol na si Juan Ynbin. Si Juan Ynbin ay inaresto, ipinatay, at ihinati ang kanyang katawan ng mga Kastila dahil sa kanyang di pagsang-ayon sa mga di patas na pagpapatrabaho sa mga manggagawa. Sinasabi sa kuwento na ang mga bahagi ng katawan ni Juan ay, habang ang mga ito'y lumulutang sa dagat, ibinalik sa buhay ng isang magandang babae. Ayon sa kanya, siya'y dinala sa pamamagitan ng isang dahon sa isang dambana na kung saan nakikita niya ang bundok.


HERMANO PULE
Ang Ulong Nanatili sa Mundo ng Buhay
Ang "ulo" ni Apolinario de la Cruz o mas kilala bilang Hermano Pule/Puli.

Si Apolinario de la Cruz o mas kinikilala bilang Hermano Pule ng kanyang mga tagasunod ay isang rebolusyonista na nagtatag ng kanyang sariling sekta ng Kristiyanismo sa Bundok Banahaw. Noong siya'y labinlimang taong gulang, pinagpasyahan niyang maging pari. Ngunit, di siya pinayagang maging pari sapagkat may diskriminasyon tungo sa mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Dahil nagnanais pa rin niyang maging pari, itinatag niya ang Confradia de San Jose, na kung saan mga indio lamang ang maaring sumali. Sa panahong ito, sinasabi na binigyan ni Hermano Pule ng mga pangalan ang mga ilang banal na bahagi ng Bundok Banahaw.

Ang Arsobispo ng Maynila ay nagalit sa balitang may nagtatag ng sekta na hindi sumasang-ayon sa Simbahang Katoliko, kaya ito'y kanyang ipinasara. Sa kabila nito, ang sekta ay lumaki lamang ng lumaki. Ang kanyang mga tagasunod ay tumipon upang labanan ang mga sundalong Kastila, ngunit sila'y di nagtagumpay. Si Hermano Pule ay pinatay at pinugutan ng ulo. Ang kanyang ulo ay inilagay nila malapit sa bundok upang magsilbing paalala sa mga nagnanais na sumali sa kanyang sekta.


Leave a Reply